Tatakbong pangulo sa 2022.. Manny, binalaan ni Digong
- Mylene Alfonso
- Nov 13, 2019
- 1 min read

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao na maging maingat kung may planong sumabak sa pagka-pangulo sa 2022.
“Kayong mga pulitiko na isipin ninyo mabuti. Manny, I think, Manny is entertaining, well it’s good. ‘Pag trabaho wala ka talagang makuha kung hindi pagod,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa joint birthday celebration ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at misis nito. Nabatid na isa si Pacquiao sa panauhin sa naturang selebrasyon.
Muling iginiit ni Duterte ang kanyang pagtutol sa anumang plano ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na sumabak sa presidential race.
“Were it not for the love of country, ‘yun lang talaga mag-sustain. Wala kang makuha rito sa trabaho na ito except work, work and work and work and work. And worry, worry, worry and be under stress,” diin pa ng Pangulo.





Comments