top of page

Tamang diskarte lang ‘yan, besh... Mga patok na negosyo ngayong magpa-pasko

  • Twincle Esquierdo
  • Nov 13, 2019
  • 2 min read

For sure, marami nang nag-iipon ng pambili ng handa sa noche buena at mga regalo. Ag­ree? Gayunman, hindi lang 13th month pay at bonus ang dapat n’yong asahan dahil pu­wede pang madagdagan ang pera n'yo ka­pag nagnegosyo kayo.

At para sa mga wala namang ina­asahang 13th month pay at bonus, don’t worry dahil may paraan pa para kumita ng pera. Paano? Mga besh, narito ang ilang negosyo na patok ngayong ber months:

1. PUTO-BUMBONG AT BIBING­KA. Patok na patok ito sa taumbayan, lalo na sa mga nagsi-Simbang Gabi dahil ito ang palaging binibili at kinakain sa almusal ng mga tao tuwing pagkatapos magsimba.

Hindi mo kailangan ng malaking pu­westo o stall dahil puwedeng-puwede kang mag­benta nito sa tapat ng iyong bahay, lalo na kung malapit ka sa Simbahan at dinaraanan ng mga tao.

2. HAMON. Ito ang pangunahing ini­hahanda tuwing noche buena at media noche kaya siguradong mabenta ito. Kung bet mong magbenta nito, go na, beshy, dahil ito ang paborito at inaabangan ng marami kapag Holiday Season kaya siguradong mabenta ito. Sino ba ang ayaw sa ha­mon, ‘di ba?

3. SWEET TREATS. Mabenta rin ang pastries at sweet treats tulad ng cookies, candies, brownies, cakes at leche flan na pu­wede mong ibenta online. Hindi mo na ka­ilangang gumastos para sa puwesto dahil puwede itong ibenta sa tapat ng bahay n'yo.

Dahil kilala tayong mga Pinoy na ma­hilig sa sweets, siguradong mabenta ito sa bata o matanda.

4. MGA LARUAN. Tuwing sasapit ang Kapaskuhan, laruan pa rin ang patok na pan­regalo sa mga tsikiting kaya kung magbe­benta ka nito, si­guradong hindi malu­lugi.

Ga­yunman, sa pagbe­benta, si­gu­raduhing safe ang mga ito sa bata. Ingat din sa mga shop­lif­ter, ha?

5. CHRISTMAS DE­CORS. Dahil ngayong sasa­pit na ulit ang Pasko, sigura­dong marami na sa atin ang magde-decorate sa kani-ka­nilang bahay, sa loob o labas man ito. Maraming paraan para makabenta nito, mga beshie. Puwe­deng ilako, magtayo ng puwesto sa tapat ng bahay o ibenta online. Oh, ‘di ba?

6. Lechon. Tuwing Kapaskuhan, isa ito sa mga pinagsasaluhan sa hapag-kainan kaya patok ito kapag Holiday Season at mga pista.

Kaya mga besh, hindi na rin masama na magbenta kapag may okasyon dahil si­guradong hindi kayo malulugi.

Kaya sa mga may balak magnegosyo nga­yong ber months, mabuting simulan n’yo na. Maliit man o malaki, ang importante ay kumikita kayo sa mabuting paraan.

‘Ika nga, ang maliit na negosyo kahapon, puwedeng lumaki ngayon. Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page