top of page
Pokwang.jpg

SEAG Bound Gilas, tinalo ng Alab PHL

Gerard Arce / Alvin Olivar
Nov 13, 2019
1 min read

Photo: PBA Images

Nalasap ng Southeast Asian Games-bound basketball team Gilas Pilipinas ang una nitong pagkatalo sa isang closed-door tune-up game laban sa Alab Pilipinas, 93-89 Lunes ng gabi sa Meralco Gym sa Pasig City.

Binawian ng dating ASEAN basketball League champion ang pambansang koponan matapos talunin ito noong isang linggo sa pareho ring lugar nang magpakawala ng 23 puntos ang isa sa mga tatlong import ng Alab na si Nick King.

Tinangka pang habulin ng Gilas ang kalamangan ng Alab sa mga huling sandali ng 4th quarter. Ngunit, hindi ito naging sapat matapos selyuhan ng Alab ang panalo upang maitabla ang mga laro. Nagtulong din sina imports Adrian Forbes at Khaliff Wyatt para sa pinagsamang 23 puntos upang makawala sa coach Tim Cone-team.

Limang Gilas players ang nagsagawa ng double-figures sa pangunguna ni Roger Pogoy na mayroong team high 14 puntos habang kumamada sina PBA MVP Junemar Fajardo at Japeth Aguilar ng tig-12 puntos gayundin sina Matthew Wright (11) at Christian Standhardinger na may 10. Hindi naman gaanong naramdaman ang Gilas ni newly-acquired at come-backing national team player Kiefer Ravena na may 2 points lang. Muling daraan sa isa pang tune-up game ang Gilas Pilipinas laban sa Taiwan team sa susunod na linggo bago magbukas ang laro ng biennial meet sa Nob. 30-Dis.11 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan habang naghahanda ang Alab sa ika-10th season ng ABL sa Nobyembre 16.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page