Public o private school, dapat may upuan na may armchair para sa estudyanteng kaliwete
- Dr. Persida V. Rueda-Acosta
- Nov 13, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta, Ako ay kaliwete kaya noong estudyante pa ako ay hirap ako sa pagsusulat dahil ang mga writing armchairs noon ay angkop lamang para sa mga right-handed. Sa ngayon, mayroon bang batas na magbibigay solusyon sa sitwasyon na ito sapagkat may dalawa rin akong anak na nag-aaral at kapwa rin sila kaliwete? — Arturito
Dear Arturito, Ang batas na sumasaklaw sa inyong katanungan ay ang Seksiyon 3 ng Republic Act (R.A.) No. 11394 o mas kilala bilang “Mandatory Provision of Neutral Desks in Educational Institutions” kung saan nakasaad ang sumusunod:
“Sec 3. It shall be obligatory for all educational institutions, both public and private, that make use of armchairs in the classroom to provide neutral desks to all students
Neutral Desk shall mean a table or an armchair that is suitable for both right-handed and left-handed students.
These institutions shall provide neutral desks-equivalent to ten percent (10%) of the student population within one (1) year from the effectivity of this Act. Henceforth, said institutions are mandated to provide neutral desk to all students.” (Binigyang-diin)
Malinaw sa mga nabanggit na inaatasan na ang mga paaralan, pampubliko man o pribado na maglaan ng sampung porsiyento (10%) base sa student population ng neutral desk na angkop para sa right-handed o left-handed na mga estudyante alinsunod sa Implementing Rules and Regulation na gagawin ng Department of Education (DepEd) at iba pang ahensiya.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.




Comments