Pondo kontra-droga, P15 milyon lang vs. P500 milyong budget ng mga Cong.
HIRIT NA DAGDAG-PONDO NI VP LENI, TABLADO KAY SENATE PRES. SOTTO—Nagulat si VP Leni Robredo, co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) sa kanyang natuklasan na P15 milyon lang ang pondong inilaan ng gobyerno sa ICAD next year kaya humirit siya ng dagdag-pondo, pero tablado ang hirit niya kasi ang sabi ni Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III, kaya P15 milyon lang ang budget ng ahensiya ay dahil kagagawa lang daw ng mga polisiya nito sa paglaban sa droga.
Hay, naku, kung ganyan na ayaw padagdagan ni Senate Pres. Sotto ang budget ng ICAD, huwag nang umasa ang publiko na magtatagumpay ang gobyerno sa “drug war”, period!
◘◘◘
PONDO NI VP LENI SA “DRUG WAR”, P15 MILYON LANG, PERO ANG ‘PORK’ NG BAWAT CONG., TIG-500 MILYON? — Hindi ang inihihirit ni VP Leni na dagdag-pondo sa ICAD ang dapat kinukuwestiyon ni Senate Pres. Sotto kundi ang tig-P500 milyong “pork barrel” ng mga kongresista na kaalyado ni Speaker Alan Peter Cayetano na isiningit sa 2020 National Budget, pero may ginawa ba na pagpuna rito ang Senate President? Wala!
Mantakin n’yo, ang budget ng ICAD sa paglaban sa ilegal na droga sa bansa ay P15 milyon lang, tapos ang “pork” ng mga kongresista sa ilalim ni Speaker Cayetano ay tig-P500 milyon, buwisit!
◘◘◘
KAPAG KINUWESTIYON NG NAMFREL SA SC ANG ‘NO ELECTION’, BAKA MATULOY ANG BGY. AT SK ELECTIONS NEXT YEAR—Tutol ang National Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panukalang ipagpaliban ang Bgy. at SK Elections sa May 2020.
Naku, kapag kinuwestiyon pala ito ng NAMFREL sa Supreme Court (SC) at nagdesisyon ang SC na unconstitutional na ipagpaliban ang halalan, malamang ay matuloy ang Bgy. at SK election next year, abangan!
◘◘◘
MAY ‘NO TAKE POLICY’ PERO ANG RAKET NG MGA ILEGALISTA, HATAW SA AREA NI EPD CHIEF GEN. ALMAZAN — Patuloy daw na namamayagpag ang lotteng at bookies nina “Rose” at “Cris” sa Pasig City; “Ben Tanda”, “Dodo” at “Jerry” sa Mandaluyong City; “Kiko Payat” sa San Juan; “Pedong Labo” at “Egay” sa Marikina City.
Kung ganu’n, wala palang silbi ang deklarasyong “no take policy” nina PNP-OIC Gen. Archie Gamboa at NCRPO Director Gen. Debold Sinas kasi hataw pa rin ang raket ng mga ilegalista sa jurisdiction ni EPD Director Gen. Johnny Almazan, boom!





Comments