Breastfeeding, nakaka-sexy hindi nakakalosyang
Dear Doc. Shane, Kapapanganak ko pa lang noong nakaraang buwan sa aking panganay. Nagpapa-breastfeed ako para maging malusog siya. Pero ang sabi nila ay nakakasira raw ng figure ang pagbe-breastfeeding. Totoo ba ‘yun? At kapag nagtae ba ang anak ko ay dapat ko nang itigil ang pagpapasuso rito? — Eva
Sagot Ang hormonang progesterone ng inang nagpapa-breastfeed ay nai-stimulate.

Ang hormone na ito ang siyang nagpapadali sa proseso ng pagbalik ng dating figure o hubog ng katawan ng babae kaya hindi totoong nakakadeporma ng katawan o nakakalosyang ang breastfeeding. Mas mainam kung ipagpapatuloy mo ito hanggang may gatas ka pa at kung medyo malaki na si baby, puwede na ang infant formula bilang alternate sa gatas ng ina lalo na kung ikaw ay nagtatrabaho. Pero, maaari ka namang mag-stock sa ref ng gatas galing sa iyo habang ikaw ay nasa trabaho o wala ka pang planong gumamit ng infant formula.
Samantala, walang masama kung ipagpatuloy mo ang pagbe-breastfeeding kahit nagtatae ang sanggol. Pero, kung formulated milk ang pinadedede, makabubuti kung ititimpla ito ng malabnaw hanggang hindi pa ito gumagaling. Makatutulong din ang pagbibigay ng oral rehydrating solution tulad ng pedialyte, hydrite o oresol sa sanggol para maiwasan ang dehydration. Gayunman, siguraduhing dadalhin agad ito sa kanyang pedia para maiwasan ang paglala ng anumang kondisyon.





Comments