Aktor-pulitiko, binanatan na 'di dapat bigyan ng show sa Siyete… Jim, 'di tatantanan ng kamp
- Erlinda Rapadas
- Nov 13, 2019
- 1 min read

Hindi tatantanan ng mga loyal supporters and fans ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang dating APO member na si Jim Paredes sa ginawa nitong pang-aalipusta sa aktor-pulitiko.
Maliwanag naman na acquitted at pinawalang-sala si Sen. Bong sa kanyang kaso. Sadyang ayaw lang bigyan ng katahimikan ni Jim si Sen. Bong na wala namang atraso sa kanya at nakulong na nga ito nang mahigit apat na taon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame nang wala namang napatunayang kasalanan.
Nabalitaan lang ni Jim Paredes na bibigyan ng GMA Network ng isang TV show si Sen. Bong, aba’t umeeksena na naman siya upang sirain ang imahe ng actor-politician. Ano ba ang dahilan at nagpuputok ang butse nitong si Jim? Bakit ganu’n katindi ang galit niya kay Sen. Bong?
At least, si Sen. Bong, may ginagawa para sa mahihirap nating kababayan. Nagsulong nga siya ng batas na humihiling na dapat bigyan na ng ¼ sa halagang makukuha ng isang centenarian kapag sumapit na sa edad 80, another ¼ na amount (P25,000) pagsapit nang 90 yrs. old at P50 thousand ‘pag edad 100.
Si Jim Paredes, may nagawa ba bukod sa mga banat niya sa socmed?





Comments