top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Nilasing, pinagdroga.. 14-anyos paulit-ulit pinilahan ng 4

Maeng Santos
Nov 12, 2019
1 min read

Matapos lasingin, halinhinang hinalay, pinahitit ng marijuana saka muling pinilahan ng apat na lalaki ang 14-anyos na dalagita sa Malabon City.

Nadakip ang tatlo sa apat na mga suspek na kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao na sina Carlo Bernardo, 31, ng Bgy. Hulong Duhat; Severino Frias, 18, ng Bgy. Dampalit, kapwa tricycle driver at ang 16-anyos na itinago sa alyas Roger habang ang isang alyas Monay ay pinaghahanap pa ng pulisya.

Batay sa ulat, inimbitahan ng mga suspek ang biktimang itinago sa pangalang “Alyana” sa isang inuman sa bahay ni Bernardo, Sabado ng gabi at nang malasing ay puwersahang hinubaran at inumpisahang halayin ni Frias na sinundan nina Bernardo at ‘Monay’.

Hindi pa rito nagwakas ang paghihirap ng dalagita dahil gumamit pa umano ng marijuana ang mga suspek at kinumbinsi ang biktima na humitit din bago muling pinilahan.

Matapos nito, nakatulog ang biktima at nang magising kinabukasan ay katabi pa niya si Bernardo at muli siyang hinalay bago nito inihatid ang dalagita pauwi.

Pagdating sa kanilang bahay, nagsumbong ang dalagita sa kanyang ina na humingi naman ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlo sa apat na mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page