top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mister may babae sa Facebook misis nag-suicide

Paul Lamsen
Nov 12, 2019
1 min read

Patay ang isang ginang makaraang maglaslas kamakalawa ng umaga sa Bolinao, Pangasinan.

Kinilala ang nasawi na si ‘Edna’, 36, naninirahan sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat na nakalap sa Regional General Hospital, naglaslas sa pulso ang biktima na hindi na naagapan ang pagkaubos ng dugo.

Nabatid na madalas mag-away ang mag-asawa hanggang sa umalis ang mister, may tatlong linggo na ang nakalilipas.

Hanggang sa makita umano ng ginang sa Facebook na may kasamang babae ang mister na palagi nilang pinag-aawayan.

Patuloy pa ang imbestigasyon upang matiyak na walang foul play sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page