Kaya war freak at pasaway… Angelica, malas sa BF, laging iniiwan at ipinagpapalit kaya bitter na bit
- Erlinda Rapadas
- Nov 12, 2019
- 1 min read

Photo: @iamangelicap
May malalim na dahilan ang pagiging bitter at war freak ni Angelica Panganiban. Hindi naman niya ginusto ang maging pasaway at magkaroon ng nega image sa publiko. Marami siyang masasakit at mapapait na karanasan sa buhay simula noong bata pa siya.
Naghahanap siya ng genuine love at pag-aalaga/pagdamay mula sa mga tao sa kanyang paligid. Hindi naging maligaya ang kanyang growing up years kaya nabansagan siyang maldita kapag siya ay may tantrums.
Hindi rin siya naging masuwerte sa kanyang love life. Lahat halos ng lalaking minahal niya ay iniwan siya at ipinagpalit sa iba. Ang mga kabiguan sa pag-ibig ang dahilan kung bakit naging bitter siya sa buhay. Pinaasa lang daw siya at sinaktan.
Naghahanap si Angelica ng tunay na pagmamahal at pagmamalasakit. Pagod na pagod na siyang umibig at muling mabigo. Gusto na rin niya ng tahimik at masayang buhay.
Kailangang-kailangan niya ngayon ng moral support mula sa mga kaibigan at pamilya. Gusto na niyang ayusin ang kanyang buhay at tuluyang makabangon at maka-move on.





Comments