Kaya wa' epek na ang banat ng iba… Ibinuking ni Ken: Rita, nilalait ang sarili dahil sa katabaan
- Vinia Vivar
- Nov 12, 2019
- 2 min read

Isa sa mga ibina-bash kay Rita Daniela ng mga tao ay ang weight niya and she’s very much aware of it. At sey nga niya, hindi naman daw siya naaapektuhan.
Sabi nga ng ka-love team niyang si Ken Chan nang makausap namin sa Beautederm launch nila, pinagtatawanan na lang nila ni Rita ang mga bashers and in fact, proud na proud daw ang kapareha sa katawan nito.
“Alam n’yo, sa totoo lang, ‘pag may namba-bash sa body niya, sobrang halakhak naming dalawa. Nilalait pa niya ‘yung sarili niya mismo. Siya ‘yung nanlalait sa sarili niya. ‘Yung mga namba-bash sa kanya, wala na lang ‘yun,” sabi ni Ken.
Hindi problema kay Ken kung mataba man si Rita sa paningin ng iba dahil para sa kanya ay sexy ang aktres.
“Ako kasi, sa totoo lang, sinabi ko sa kanya, ako bilang lalaki, ‘pag sinabing ‘yung sexy sa akin, ito, ganito – voluptuous. ‘Eto ‘yung definition ko ng sexy. Hindi mo kailangang maging sobrang payat para maging sexy. Mas maganda nga ‘yung may laman like si Rita, ang ganda ng hubog ng katawan niyan, eh. ‘Yun ‘yung hindi makita ng tao at ‘yun ang nakikita ko sa kanya,” ani Ken.
Ayon naman kay Rita, hindi talaga siya naaapektuhan ng mga bashings tungkol sa weight niya dahil alam naman daw niyang you cannot please everybody.
“I am not here to please anyone, I’m here to please God. So, hindi naman nasusukat ang talento ng isang tao nang dahil lang sa kanyang timbang, ‘di ba?” she said.
Pero siyempe, aware rin siya na hindi magandang tingnan sa TV kapag medyo mataba at aminado naman siyang nagta-try siyang mag-diet kaya nga naospital siya.
“Kaya ayun, na-overfatigue, kasi tinry. Pero wala, siguro, talagang ‘yun ‘yung ano ng katawan ko talaga, eh.”
Kaya nga raw pina-stop muna siya sa pagda-diet at nang nasa ospital siya ay talagang pinakain siya nang pinakain.
Anyway, mas naunang naging endorser si Ken ng Beautederm at sumunod na lang si Rita. Natatawang kuwento ng aktres, na-curious daw siya sa katakut-takot na papuri ng ka-love team sa nasabing beauty product and skin care sa tuwing nasa taping sila ng One of the Baes at kulang na lang daw ay magbenta ito ng mga produkto.
Kaya raw nang in-offer daw sa kanya ng CEO and president ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan na maging endorser din ay hindi na siya nagdalawang-isip pa.





Comments