Isa sangkot sa droga.. Magpinsan niratrat ng 2 riding-in-tandem, utas
- Jeff Tumbado
- Nov 12, 2019
- 1 min read

Patay ang magpinsang lalaki makaraan silang pagbabarilin ng apat na lalaki sa Bgy. Bulacao, Cebu.
Kapwa binawian ng buhay sa ospital ang mga biktimang sina Victoriano Gabaca alyas Tikab, 22, at pinsan nitong si John Mark Cañeda, 16.
Ayon kay Cebu City Police Office Director Col. Gemma Cruz Vinluan, nangyari ang pamamaril sa dalawa habang ang mga ito ay nasa labas ng kanilang bahay pasado alas-9:00 ng gabi. Apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo ang lumapit sa mga biktima saka sila pinagbabaril bago nagsitakas.
Nabatid na si ‘Tikab’ ay kilala bilang isa sa mga runner at gumagamit ng ilegal na droga habang ang menor-de-edad na kasama nito ay nadamay lamang sa insidente.





Comments