Galanza, MVP ng PVL open

Photo: FoxsportsPH
Bukod sa pagkakaroon ng mga matitinding armas gaya nina power-hitter Alyssa Valdez at ace-setter Jia Morado, isa sa mga dahilan ng tagumpay ng Creamline Cool Smashers sa pagkopo ng kampeonato sa PVL Open Conference ay ang pagsibol ng isa pang mas malupit na sandata sa katauhan ni Jema Galanza.
Ipinamalas ng dating Adamson University standout ang kakayanan upang tulungan ang Cool Smashers sa abot ng kanyang makakaya, kung kaya’t nararapat na ginawaran ito ng Most Valuable Player award at Best Open spiker honors katabla si PetroGazz spiker Jovie Prado.
Sinalo ni Galanza ang nawalang opensa ng Cool Smashers nang magtamo ng injury si Valdez at tumugon sa tungkulin sa national team kasama si Morado, katulong sina Michele Gumabao, Risa Sato, Kyle Negrito, Kyla Atienza at buong koponan upang makuha ang kauna-unahang 20-game sweep sa komperensiya.
Nagpamalas ng mabisang paglalaro si Galanza sa loob ng perpektong 20 game winning streak, kasama si Finals MVP at best setter Morado, gayundin si top libero Kyla Atienza, isinagawa ni Galanza ang all-around performance mula opensa hanggang depensa.





Comments