Alamin: Mga tv shows na hindi na kailangang lagyan ng subtitle
- Dr. Persida V. Rueda-Acosta
- Nov 12, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta, Mayroon ba tayong batas para lagyan ng television stations ng subtitles ang kanilang mga palabas? Kung mayroon man, wala bang exemptions para rito? — Von
Dear Von, Para sa inyong kaalaman, nabanggit sa Republic Act (R.A.) No.10905 o mas kilala bilang “An Act Requiring All Franchise Holders or Operators of Television Stations and Producers of Television Programs to Broadcast or Present Their Programs with Closed Captions Options, and for Other Purposes” ang mga sumusunod:
“Section 1. Requirement.— All franchise holders or operators of television stations and producers of television programs are required to provide closed captions option in the broadcast of their programs including newscast, news programs and pre-scripted programs.”
Malinaw na nangangailangan na maglagay ng option ang mga television stations upang magkaroon ng closed caption ang kanilang mga programa. Ngunit, may mga sitwasyon kung kailan hindi na kailangang lagyan ng closed caption ang programa at ito ay ang mga sumusunod:
“Section 3. Exempt Programming.— The following shall be exempt from closed captioning;
(a) Public service announcements that are shorter than ten (10) minutes;
(b) Programs shown in the early morning hours from 1:00 a.m. to 6:00 a.m.;
(c) Programs that are primarily textual in nature; and
(d) When compliance would be economically burdensome.”
Ang mga nabanggit lamang sa itaas ang mga pagkakataon kung kailan hindi na nangangailangang lagyan pa ito ng closed caption.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments