top of page
Pokwang.jpg

600 mga bata, lumahok sa JAS Children’s Games

MC
Nov 12, 2019
1 min read

Photo: PSCMindanao

Nagbigay ng ibayong ngiti ang Philippine Sports Commission (PSC) sa tulong ng Philippine Sports Institute (PSI) sa may 600 bata kasabay ng pagdaraos ng UNESCO-cited Children’s Games sa Jose Abad Santos (JAS), Davao Occidental at Banaybanay, Davao Oriental noong Nobyembre 8 at 9.

Ayon kay PSC chairman William I. Ramirez na sinusunod ng national sports agency ang utos ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na ipakilala ang sports sa malalayong lugar sa Mindanao.

“We have visited provinces which have never been visited by the PSC or any other sports program before,” wika ni Ramirez.

Pinamumunuan ng PSC Mindanao staff ni program coordinator Cholo Elegino ang events ay tumahak pa sa tatlong ilog para marating ang munisipalidad na halos 229 kilometro at pitong oras ang biyahe mula sa Davao City.

Pero nang makita nila ang mga 300 batang tuwang-tuwa na gusto nang lumahok sa laro ay nawala ang kanilang pagod lalo na at ang buong pamayanan ng Holy Cross of Caburan ay nakilahok na rin.

Halos 250 bata ang naglaro ng tug of peace, sack race, piko, dodgeball, nagdaos naman si Elegino ng isang basketball clinic sa 20 dribblers habang si veteran coach Mario Mojica ang nanguna sa volleyball clinic na may 31 partisipante.

Dinaluhan ni Holy Cross of Caburan principal Sister Judalyn Caberos ang two-day event.

Nakipaglaro ang mga batang Muslim ng Kagan tribe mula sa San Isidro Labrador Parish sa mga Christians at Lumads para ipakita ang kanilang pagkakaisa.

Dadalhin ng PSC ang Children’s Games sa Bansalan, Davao del Sur nitong susunod na linggo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page