SUV nadaganan ng truck, 1 patay
- Levi Gonzales
- Nov 11, 2019
- 1 min read

Photo: Dashcam Philippines
Isa ang patay habang isa ang sugatan matapos bumaligtad ang trak bago tuluyang madaganan ang kasabay nitong SUV sa Lipa City, Batangas.
Alas-11:50 ng gabi, habang matulin umano ang takbo ng trailer truck na minamaneho ni Arnel Alaban, nang mawalan ito ng preno saka bumangga sa poste.
Eksaktong parating naman ang SUV na minamaneho ng sugatang driver na si Orestes Guevarra, kasama ang kanyang kasintahang nasawi na si Gem Navarro, nang madaganan sila ng nasabing trak.
Pinitpit na parang lata ang kanilang sasakyan kaya nagtulung-tulong ang mga rescuers para makalabas ang mga biktima.





Comments