Sumikat o lumubog man ang araw, 'di magbabago ng desisyon… Magaling na aktres, tinanggap uli ang
- Erlinda Rapadas T.
- Nov 11, 2019
- 1 min read

BLIND ITEM:
Halos ayaw nang maungkat at pag-usapan pa ng isang magaling na aktres ang tungkol sa pinagdaanan niyang problema sa marriage na nagulo at naiskandalo dahil may babaeng pumasok sa dati nilang masaya at tahimik na buhay ng kanyang mister.
Nang unang nabunyag ang pangangaliwa ng kanyang mister, mistulang nagngangalit na bulkan na sumabog ang magaling na aktres. Siya pa naman ang tipo ng babaeng palaban at hindi papayag na maapi at maisahan kaya kahit na nailantad sa publiko ang ginawang panloloko ng kanyang mister ay nakipagtuos siya at nagbantang magdedemanda/makikipaghiwalay dito.
Hinding-hindi raw niya mapapatawad ang babaeng umagaw sa ama ng kanyang mga anak. May hawak siyang ebidensiya para madiin ang kabit ng kanyang mister.
Pero nang humupa na ang galit ng magaling na aktres, nagawa pa rin niyang patawarin ang kanyang mister. Hindi lang niya magawang aminin na tinanggap niya uli ito pero hindi niya napagbigyan ang kahilingan nitong huwag nang kasuhan pa ang babaeng nang-agaw at naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Wala sa bokabularyo ng magaling na aktres ang forgiveness.





Comments