Celtics, nanambak, nabali ang kamay ni Hayward
- MC
- Nov 11, 2019
- 1 min read

Nakagawa ng 30 points si Jaylen Brown upang tambakan ng Boston Celtics ang San Antonio Spurs, 135-115. Bumanat ng 26 points si Kemba Walker para sa Boston (7-1) na may pitong sunod nang mga panalo.
Gayunman, bagamat nanalo ang tropa ay naging malungkot naman sila dahil na rin sa natamong injury ni Gordon Hayward kung saan nabalian pa ito ng kamay. Ang Boston forward ay nakabanggaan si LaMarcus Aldridge ng San Antonio sa huling minuto ng first half. Kaagad na sumailalim sa X-ray si Hayward at pinayuhan na huwag nang bumalik sa laro. Sinabi ng Celtics na hindi makapaglalaro si Hayward sa loob ng isang buwan at maaring sumailalim din sa surgery.





Comments