top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kani-kanya na raw sila… Nathalie, tanggap na inanakan lang ng Indian BF

Ador Saluta
Nov 11, 2019
3 min read

Bubuhayin ng iWant ang makasaysayang horror film ni Celso Ad Castillo na Patayin sa Sindak si Barbara sa makabagong paglalahad ng kuwento nito sa iWant original movie na Barbara Reimagined. Napanood ito nang libre nitong nakaraang Biyernes (Nov. 8) at 9 PM sa iWant at idinirek ni Benedict Mique (direktor ng Momol Nights at ML) katuwang ang anak ng namayapang si Direk Celso na si Christopher Ad Castillo.

Tampok sa Reimagined Barbara ang dating sexy actress na si Nathalie Hart, si JC de Vera at ang produkto ng It’s Showtime: Mini-Me na si Xia Vigor.

Bago ang advance screening ng iWant film sa Cinema 4 ng Trinoma, nagkaroon muna ng pagka­kataon ang press people na kumustahin si Nathalie sa bago niyang career pagkatapos mamahinga for two years sa showbiz dahil nabuntis.

Pahayag ni Nathalie, “Masaya po ako na I’m back to work and got more jobs.”

Naitanong ang naging reaksiyon ng kanyang fa­mily after niyang mabuntis at magkaanak courtesy of an Indian national. Natuloy ba siyang mag­pakasal sa Indian guy na father ng kanyang anak?

“No, I’m not married yet. We’re on a break, I’m here to work and he’s there to study as well. Kina­kailangan na­ming asikasuhin ang future namin pareho. I just don’t think it’s time for me to move there (sa India) na wala pang masyadong naiipon for myself. Siguro, ‘yung mga time na ‘yun, I’m so in love and everything. I thought it was a romantic film, but you know, you have to be an adult and you have to work and to be stable for your family.”

Sabi ng mga nasa presscon, mas gu­man­da at sumeksi si Na­thalie after magka­anak.

“I watch what I eat. Inaalagaan ko ang mga pagkain na kina­kain ko. I exercise once a week and that’s it. (Nakatulong din) I was breast­feeding for 7 months. Ten months na po ‘yung anak ko, so rest ako ng 3 months (sa pagpapa­suso),” aniya para mapanatili ang kan­yang sexy body.

Tanggap na ng kan­yang pamilya ang pag­bubuntis niya at the age of 26. Sa ngayo’y 27 na si Nathalie habang 26 years old naman ang kanyang Indian lover.

Aniya, “Okay lang po sila, masaya na rin po ang parents ko. Wala lang,” natatawa niyang sagot.

“They’re fine. Wala naman silang kontra... I mean, my family are happy that I’m working again. Masaya sila ru’n at dedma lang (sa pagbubuntis niya).”

Si Nathalie ang pang-apat na aktres na gaganap sa classic film na Patayin sa Sindak si Barbara. Na­una na rito sina Ms. Susan Roces, Lorna Tolentino at maging si Kris Aquino (sa TV series).

Masaya raw si Nathalie dahil mga bigating stars ang kanyang sinundan. Pero ginawa naman daw niyang mapaiba sa mga unang gumanap para hindi maikumpara.

Sa ipinapanood na iWant film sa Cinema 4, hindi lang horror scenes ang aabangan, maging ang mga steamy scenes ni Nathalie with JC De Vera ay agaw-pansin.

Bakit siya napapayag na magkaroon ng bed scenes kay JC?

“Meron kami ni JC dito, hindi naman po mawawala ‘yun. Sabi po ni direk, kailangan,” sagot ni Nathalie sabay tawa.

Sabat naman ni JC, “Sex and horror ang tema ng film, so kailangan talaga,” giit ng aktor.

Si Mariel de Leon ang gaganap na original wife ni JC bilang si Karen na namatay sa depresyon.

“Kinakailangan naming gawin ‘yung (steamy) scenes na ‘yun para ma-magnify ‘yung galit ni Karen (sister ni Barbara) sa akin,” dagdag pa ng aktor.

Dugtong ni Nathalie, “Namatay si Karen, pu­munta ako sa bahay niya at ako ‘yung pumalit na asawa ni JC. Kailangang magalit talaga siya.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page