Estudyante, 2 pa kulong sa droga
- Maeng Santos
- Nov 11, 2019
- 1 min read

Tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang menor-de-edad na estudyante ang arestado sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon.
Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit Head P/Capt. Segundino Bulan, Jr. ang mga naarestong suspek na sina Jherzon Paul Pamintuan, Sheila Win Oriña at ang menor-de-edad na estudyanteng lalaki.
Ayon sa ulat, alas-12:30 ng hatinggabi nang isagawa ng mga operatiba sa pangunguna ni P/Capt. Bulan ang buy-bust operation sa Lydia St., Dulo, Gen T. De Leon na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Narekober ang apat na sachets ng shabu, P200 buy-bust money, P200 bill at pouch.





Comments