Cool Smashers, naka-2 nang korona sa PVL 3 open
- VA
- Nov 11, 2019
- 1 min read

Gumawa ng bagong tala sa aklat ng kasaysayan ang koponan ng Creamline nang tagumpay nitong naidepensa ang kanilang korona sa katatapos na Premier Volleyball League Season 3 Open Conference matapos kumpletuhin ang finals series sweep nila kontra Petro Gazz noong Sabado ng gabi sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.
Naging makasaysayan ang panalo dahil nagawa nila ito sa pamamagitan ng rekord na 20-game sweep at naluklok pa sila bilang back-to-back champions ng season ending conference bukod sa pagiging most winningest squad sa liga na may tatlong titulo.
Ngunit kung babalikan ang kanilang pinagdaanan, hindi naging madali ang lahat para sa Cool Smashers.
Maliban sa kanilang mga naging sakripisyo, hirap at pagod sa ensayo, marami rin silang naranasan na matitinding hamon bago nakamit ang kampeonato.
Ilan dito ang pagka-injured ng ilan nilang key players at ang mga pagkakataong hindi sila makumpleto sa ensayo lalo na sa laro.
“There were a few people who said na, “Masyadong madali na na-sweep ‘yung season.But there were a lot of stories behind the scene,” wika ng Finals MVP at Best Setter sa ikalimang sunod na pagkakataon na si Jia Morado.
“Actually, napakahirap ng pagkuha ng panalo namin,” ayon naman kay team captain Alyssa Valdez.
“But I believe we had so many struggles and challenges this conference, that’s why we pulled through.” Pero ang mga pinagdaanang pagsubok ang lalong nagpatibay sa Cool Smashers.
Mula rin sa dinaanan nilang hamon, nabigyan ng pagkakataon ang iba pang miyembro ng koponan na makatulong at makapagbahagi ng kanilang kakayahan na siyang nakatulong upang mas lumakas at lumalim ang team.





Comments