2 huli sa aktong nagdodroga sa sementeryo

Huli sa akto ang isang lalaki at isang babae habang bumabatak ng droga sa loob ng sementeryo sa Pasay City, kamakalawa.
Nasa detention cell ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Ma. Suzette Bueno alyas Suzette, 36, miyembro ng Commando Gang at Mark Andrew Veloria, 23, binata, kapwa nasa drug watchlist, ng Bgy. 148, Zone 16.
Sa ulat ni Pasay City Police Chief Col. Bernard Yang, nahuli ng mga tauhan ng Police Community Precinct Baclaran ang dalawang suspek sa loob ng barung-barong sa Pasay City Public Cemetery alas-3:45 ng hapon nitong Sabado.
Nauna rito, nakatanggap ng tawag ang awtoridad mula sa concerned citizen kaugnay sa nagaganap na drug session sa lugar.





Comments