top of page
Pokwang.jpg

VP Leni, kay Sen. Ping nagpasaklolo sa war on drugs, hindi kay Sen. Bato

Ka Ambo
Nov 10, 2019
1 min read

Ayaw tigilan ng lindol ang Mindanao.

Hindi kaya mahawa na ang Visayas at Luzon?

◘◘◘

NAGSIMULA na si VP Leni kontra illegal drugs.

Achievement niya kapag “walang iskor” sa death board.

Kumbaga, mas tameme, mas gusto niya!

◘◘◘

KINONSULTA ni VP Leni si Sen. Panfilo “Ping” Lacson imbes na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Siya ang oposisyon sa Malacañang!

◘◘◘

MAY nagsasabing maaaring bumaligtad si VP Leni sa kampo ni P-Digong.

Ayayayyy ang buhay!

◘◘◘

NAGPAPADALA na ng mga tulong ang mga taga-Visayas at Luzon sa Mindanao.

Ito ay kung “kailan patay na ang kabayo”!

◘◘◘

MAGTATAYO ng rehab sa bawat rehiyon.

Ito ay para bawat rehiyon ay may “manakaw sila”!

◘◘◘

PATULOY ang pagpatay sa media people.

Patuloy din ang pagkakaaresto ng mga suspek!

◘◘◘

ANG pagpatay sa mga journalists ay maaaring epekto ng buwelo sa 2022 election.

Maaga ang politika para hindi masyadong mahalata!

◘◘◘

HINDI raw magdadala ng baril ang mga pulis sa buy-bust operation.

Baka isang bilaong pansit ang dadalhin nila?

◘◘◘

GUMIGIRE na sina Inday Sara, Sen. Pacman at Mayor Isko sa 2022 Presidential Elections.

Nagsimula na ang piyesta!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page