Soft Tennis, hindi papepetiks, target ang tayang 3 gold
- MC
- Nov 10, 2019
- 1 min read

Walang sasayangin sandali ang Philippine Soft Tennis Association (PSTA), para hakutin lahat ang tatlong nakatayang gold medals sa pagsambulat ng 30th Southeast Asian Games sa Manila sa Nob. 30- Dis. 11.
Ito ang mariing binitawan nina national team coach Roel Licayan at players Joseph Arcilla at Bien Zoleta-Mañalac na anila’y ang inaasahang pagdumog ng homecrowd sa Rizal Memorial Sports Coliseum ang magbibigay ng malaking lakas upang mapagtagumpayan ang laban. “We can do it. I know the players can do it,” saad ni Licayan sa pagbisita sa 47th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros nitong Huwebes. “There are three events in the SEA Games – women’s singles, women’s doubles and men’s team — and we have very good chances of winning all three of them,” giit ni Licayan sa weekly public service program.
Ayon kay Licayan, ang matagumpay na pagsagupa ng Filipinos sa nakaraang Asian University Junior Soft Tennis Championships sa Colegio San Agustin indoor courts sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Setyembre ay isa nang indikasyon upang ipakita ang kahandaan ng koponan tungo sa gold medal sa SEAG. Sa AUSTC, hinablot ng Pinoy ang limang bronze medals, tatlo kay Princess Catindig n at dalawa kay Mark Alcoseba at sa team event sa men’s category.
Bilang host nation, naniniwala ang mga opisyal na maalpasan natin ang one-silver, five-bronze medal haul. Ang soft tennis ay huling humataw sa SEAG Indonesia noong 2011.





Comments