Nabundol ng sasakyan.. Titser, patay sa DepEd official

Dead-on-arrival sa ospital ang isang senior high school teacher matapos mabundol ng sasakyan ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) Surigao del Norte Division.
Kinilala ang biktima na si Lucita Josue, titser ng Surigao del Norte National High School ng Surigao City habang ang suspek naman na nagmamaneho ng kanyang sasakyan ay si Dr. Dominico Larong, Curriculum Implementation Division (CID) chief ng DepEd-Surigao del Norte Division.
Batay sa imbestigasyon, pababa na ng covered pathway ang biktima nang sumalubong sa kanya ang sasakyan.
Samantala, hinihintay na ng pulisya ng Surigao City ang susunod na hakbang na gagawin ng pamilya ng biktima.





Comments