Jail officer niratrat ng riding-in-tandem, utas

Patay sa pamamaril ang isang jail officer habang nasa kritikal na kondisyon ang kasamahan nito sa Bacolod City.
Kinilala ang nasawi na si Jail Officer 1 Jayvee Jason Vargas, 28, habang ginagamot sa ospital sanhi ng isang tama ng bala sa katawan si Gian Philipp Yoro, 25.
Ayon kay Bacolod City Police Office Director Lt. Col. Henry Binas, pasado alas-11:00 ng gabi ng Biyernes nang pagbabarilin sina Vargas at Yoro kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Fenny Tano sa bahagi ng Bgy. Pahanocoy habang sakay ang mga ito sa kotse.
Napag-alaman sa imbestigasyon na binuntutan ng riding-in-tandem ang mga biktima hanggang sa pagsapit ng mga ito sa nasabing lugar ay doon na sila pinagbabaril.
Dead-on-the-spot si Vargas nang mapuruhan ito habang si Yoro naman ay naisugod pa agad sa ospital dahil sa paghingi ng saklolo ni Tano.
Inaalam pa sa imbestigasyon kung ano ang motibo sa pananambang.





Comments