Chief investigator pinagbabaril, dedbol

Isang chief investigator ng Batuan Municipal Police Station sa Masbate ang napatay sa isinagawang pamamaril ng hindi pa natutukoy na salarin malapit sa kanyang himpilan nitong Biyernes.
Dead-on-the-spot sanhi ng ilang tama ng bala ng baril ang biktimang si Police Senior Master Sergeant Oscar Alegado.
Batay sa ulat, kausap ni Alegado ang isang babaeng non-uniformed personnel ng PNP nang sumulpot ang salarin at pinagbabaril ang biktima nang malapitan.
Agad na tumakas ang suspek habang isinugod naman sa ospital ang biktima pero hindi na rin umabot ng buhay.
Hindi naman nasaktan ang babaeng kausap ni Alegado.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente habang patuloy na tinutugis ang nasa likod ng paglikida sa pulis.





Comments