4 estudyante, huli sa aktong nagdodroga
- BRT
- Nov 10, 2019
- 1 min read

Apat na estudyante ang nahuli sa aktong gumagamit ng marijuana sa Bgy. Tambak, New Washington, Aklan.
Kinilala ni Major Frenzy Andrade ng Provincial Drugs Enforcement Unit-Aklan ang mga suspek na sina Robby Prayl Tabulinal Doque, 20; Von Gielo Ambrocio Rebenito, 19; Kenno Dave dela Torre Supetran, 19, at Angelo Vrian John Agustin Pabayo, 23.
Sa panayam, napag-alaman na si Tabulinal ang target sa operasyon kung saan narekober ang tatlong sachets ng marijuana kapalit ng P3,000 buy-bust money.
Napag-alaman na si Tibulinal ang nagbebenta ng droga sa mga estudyante ng iba’t ibang paaralan sa lugar kung saan bumibili ito ng supply sa kalapit na probinsiya at ibebenta online.





Comments