36 bahay tinangay ng rumaragasang agos ng ilog
- Jeff Tumbado
- Nov 10, 2019
- 1 min read

Higit 30 bahay at istruktura ang tinangay ng rumaragasang ilog sa Abulug, Cagayan sa gitna ng tuluy-tuloy na pag-ulan, kamakalawa.
Sa panayam kay Chairman Henry Masuli, nasa 36 bahay ang nilamon ng ilog kaya nakisilong sa mga kamag-anak ang mga apektadong residente.
Kaugnay nito, namahagi na ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Abulug sa mga residente. Plano nilang gawan ng river control ang ilog upang hindi na lumawak pa ang pinsala.
Hirap namang tumawid ang mga sasakyan sa ilang bahagi ng kalsada dahil sa pag-apaw ng ilog.
Samantala, nasa ilalim na ng state of calamity ang Cagayan dahil sa pagbaha.





Comments