Yulo, torch carrier, 6 pa flag bearer sa 30th SEAG

Itinalaga na si 2020 Tokyo Olympic-bound at World Champion Carlos Edriel “Caloy” Yulo na maging torch bearer ng bansa habang anim pang world-class athletes ang magbibitbit ng bandila ng bansa sa 30th Southeast Asian Games simula Nob. 30-Dis 11 sa opening rites sa Philippine Arena.
Ang 19-anyos na gymnasts ay nagwagi ng gold medal sa nakalipas na 49th Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgart, Germany ay nabigyan ng pagkakataon na sindihan ang cauldron sa naturang pagtitipon na magbibigay indikasyon sa pagbubukas ng two-year event.
Ang anim na world class-athletes ay pamumunuan ni 2016 Rio Olympics silver medalists Hidilyn Diaz ng weightlifting kasama sina Tokyo-bound pole vaulter Ernest Obiena, AIBA women’s featherweight gold medalist Nesthy Petecio, AIBA men’s silver medalist Eumir Marcial, 2018 Asian Games gold medalist at Skateboarder Margielyn Didal at Jakarta-Palembang Games silver medalist at 3-time SEAG gold medalist Kiyomi Watanabe ng Judo.
Pamumunuan ng 7 pambansang atleta ang kabuuang bilang na 1,115 delegasyon ng bansa na susubuk na makamit ang ikalawang beses na pagsubok na makuha ang overall title na nakuha noong 2015 Manila Games kung saan nakakolekta ito ng 112 gold, 85 silver at 93 bronze medals. Sa ngayon ay tinatantiya ng Philippine Olympic Committee (POC) na mahihigitan ng bansa ang bilang ng nakuhang gold medal sa 2005 Manila meet at makakuha ito ng 159 gold medals.
Magbubukas ang 11-nation sportsfest sa Nob. 30 at magtatapos ito sa New Clark City sa Capas, Tarlac. Lalaruin rin ang 16 events sa Clark, 12 sa Subic sa Zambales, 2 sa Tagaytay at tig-isa sa La Union at Batangas sa 12-araw na kompetisyon na lalahukan ng 11-ASEAN nation.





Comments