Pencak Silat beauty titlist Regalado, asinta ang SEAG gold

Photo: Cherry May Regalado
Hindi lang pang-beauty pageants ang target na panalo ni Jakarta-Palembang Asian Games pencak silat bronze medalist at 2018 Asian Games Invitational Tournament winner sa Indonesia na si Cherry May Regalado kundi ang 30th Southeast Asian Games sa bansa.
Inaasam din niyang makukumpleto ang kanyang achievements kapag naka-ginto siya sa biennial games. ”Hindi ko napigilan ang pag-iyak noong 2017 SEA Games (in Kuala Lumpur) kasi po alam ko na magkaka-medal ako,” kuwento ni Regalado, na nalagay sa 4th place sa Malaysia games.
“Hindi po ako nag-give up at sinabi ko po sa sarili ko na patutunayan ko sa kanila na nagkamali sila ng judging.”
Ang 24-anyos na Nutrition Course graduate ng Aklan State University sa Banga, Aklan ay isa sa paborito na magwagi ng gold sa Kuala Lumpur games at sa kaibuturan ng kanyang puso naniniwala siya na ang kanyang performance sa Kuala Lumpur ay sapat na para sa pencak silat title.
Unang sinubukan ni Regalado ang athletics at volleyball bago nagpasyang mag-train sa martial arts noong kolehiyo, pero nabigo siya noong 2017 SEAG at naka-bronze sa 18th Asian Games at naka-finished third sa Women’s Seri Singles Finals ng Pencak Silat competition sa Padepokan Pencak Silat TM III sa Jakarta. “Alam ko po na marami pang pagkakataon na ibibigay sakin. Tiwala lang po sa sarili,” ani Regalado.





Comments