top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P40 milyong shabu, nasamsam.. Pinay OFW na drug courier, arestado sa NAIA

June Simon
Nov 9, 2019
1 min read

Isa na namang Filipino drug courier ang nahuli kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sanhi nga tangkang pagpupuslit ng anim na kilong shabu mula sa Siem Reap, Cambodia.

Ang pasahero na nakilalang si Marie Ruzol, 28, ay dumating alas-4:00 ng madaling-araw ng Biyernes lulan ng Cebu Pacific Flight 5J258.

Si Ruzol ay isang OFW at kasalukuyang nasa bakasyon.

Ayon sa Customs, ang backpack ni Ruzol ay isinailalim sa x-ray scanning bilang bahagi ng border security kung saan lahat ng mga bag ng pasahero, partikular ‘yung mga nanggaling sa ‘high-risk’ na bansa tulad ng Cambodia, Thailand, Laos at Myanmar ay idinaraan sa x-ray security check.

Dagdag pa ng Customs na ang backpack ni Ruzol ay ininspeksiyon saka natagpuan dito ang white chrystalline substance na nakatago sa pakete ng tsaa.

Nagpositibo naman ito matapos isailalim sa field test ng PDEA sa pamumuno ni Gerald Javier ang naturang droga.

Ito ay nagkakahalagang P40.8 milyon. Kamakailan, dalawang shipments ng shabu na parehong galing sa Siem Reap ang nasabat sa magkakahiwalay na petsa ng September at October ng kasalukuyang taon.

Dalawa ang naaresto sa magkakasunod na operasyon na isinagawa ng Customs at PDEA, isang Filipino at babaeng Indonesian.

Ayon kay Port of NAIA Collector Carmelita Talusan, mula nang maipatupad nila ang Border Protection sa NAIA, maraming droga na ang nasabat sa pangunahing paliparan ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page