Oks lang magpaganda, pero safe ba? 5 beauty routines na dapat iwasan ng mga buntis
- Justine Daguno
- Nov 9, 2019
- 2 min read

Bawat chapter na dumarating sa buhay ng tao, mega-adjustment talaga ang dapat gawin tulad sa mga buntis, mula sa pagbabago ng mood, hugis o kulay ng ilang bahagi ng katawan, pagkakaroon ng stretch marks, dark spots, madalas na feeling haggard at iba pang bagay.
Kaya naman may mga ginagawa tayo para maiwasan ang mga ito. Pero, bago tayo mag-proceed sa pagpapaganda para maging feeling good, siguraduhin munang safe ang mga ito.
Well, anu-ano ang nakasanayan nating beauty routines na hindi advisable sa mga preggy?
1. PAGGAMIT NG SALICYLIC ACID. Salicylic acid (beta-hydroxy acid) ang isa sa mga karaniwang sangkap ng mga produktong pantanggal ng acne, dark spots etc. dahil nakatutulong ito para ma-exfoliate ang dead layers ng balat. Pero, kung ite-take ito orally ng mga preggy, maaari itong magdulot ng kumplikasyon at iba pang birth defects.
Ayon sa mga eksperto, kapag gagamit naman ng spot treatment, siguraduhing 1-2 percent lang ng salicylic acid ang taglay nito. Gayunman, puwedeng gumamit ng glycolic acid, alternatibong chemical exfoliation pero mas safe kumpara sa salicylic acid.
2. PAGPAPA-MANICURE O PEDICURE. Kailangan mag-ingat ang mga buntis kapag magpapa-manicure o pedicure, hangga’t maaari ay i-brush lang ito o payuhan ang manikyurista na ingatan ang pagpuputol ng mga kuko at pagtanggal sa ingrown upang maiwasan ang pagkahiwa ng balat dahil sabihin man na maliit lamang ang sugat na maidudulot nito, malaki pa rin ang posibilidad na pagmulan ito ng impeksiyon.
3. PAGPAPAKULAY NG BUHOK. Ayon sa mga eksperto, ang pagkukulay ng buhok sa panahon ng pagbubuntis ay hindi ipinapayo. Karamihan daw sa mga hair color products ay nagtataglay ng carcinogens, substance na nakasasama sa mga buntis dahil ito ay nakapagdudulot ng kanser.
Gayunman, kung gusto talaga nating maging ‘extra’ ang ating crowning glory, magandang ideya kung highlights na lang ang gagawin, mas safe ito dahil hindi ito direktang nadidikit sa anit at kaunting produkto lamang ang kailangan kumpara sa hair dye na malaking porsiyento ng buhok ang dapat lagyan.
4. PAGWA-WAX NG KILIKILI, BINTI ETC. Puwedeng magpa-wax ang mga buntis, pero hangga’t maaari ay gawin ito sa salon o ipagawa sa mga propesyunal para makasigurado dahil kung DIY (do-it-yourself) lamang ito, may tsansa na magkaroon ng ingrown hairs o infections.
5. INJECTABLES. Bagama’t, propesyunal ang nagsasagawa ng mga injectable procedures tulad ng botox o lip fillers, wala pa umanong pag-aaral na magpapatunay na safe ito sa mga buntis.
Kaya mas makabubuti kung maghintay na lamang na makapanganak bago ito gawin.
Natural na sa mga babae ang maging conscious sa sarili kapag buntis dahil marami talagang pagbabago ang nangyayari kapag nasa ganitong stage ng buhay, pero tandaan na dapat palaging mag-ingat, partikular sa mga nakasanayang beauty routine dahil baka imbes na gumanda, eh, mapasama pa.
Okay?





Comments