Eastern Samar niyanig ng magnitude 5.2
- V. Reyes
- Nov 9, 2019
- 1 min read

Niyanig ng Magnitude 5.2 na lindol ang Guiuan, Eastern Samar na bagama’t, malapit sa karagatan ay hindi na inaasahang magdudulot ng tsunami sa baybayin ng lalawigan.
Ala-1:31 ng hapon nang maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagyanig na may lalim na 21 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Guiuan, Mercedes, Lawaan, Hernani at Salcedo, Eastern Samar habang Intensity III sa Tacloban City; Palo, Babatngon, Dulag, Abuyog, Hilongos, Bato & Tolosa, Leyte; San Francisco, Southern Leyte; Borongan & Maydolong, Eastern Samar.
Intensity II naman ang naitala sa Pastrana, Leyte; San Julian, Eastern Samar; Maasin City, Bontoc, Libagon, Saint Bernard at Southern Leyte.
Kung pagbabatayan at ang instrumental intensities, naitala ng Phivolcs ang Intensity IV sa Borongan City; Intensity III sa Palo, Leyte; Intensity II sa Surigao City at Intensity I sa Ormoc City; Gingoog City.
Walang naitalang pinsala o nasawi dahil sa nasabing pagyanig.
Samantala, niyanig naman ng Magnitude 4.1 ang Columbio, Sultan Kudarat dakong ala-1:38 ng hapon. May lalim na 15-kilometro ang pagyanig na tectonic ang pinagmulan. Naramdaman ang Intensity II sa Kidapawan City.





Comments