Donaire, taob kay Pacquiao na mas gumagaling habang tumatanda
- Ka Ambo
- Nov 9, 2019
- 1 min read
Pinag-aaralan na ng Korte Suprema na maglabas ng desisyon sa Maguindanao massacre.
Mainam naman!
◘◘◘
HINDI malaman kung nakaiskor si VP Leni Robredo sa pagtanggap bilang Anti-Drug Queen.
Talagang maselan ang diskarte!
◘◘◘
MARAMI ang nagtataka, imbes na si ex-Sen. “Bongbong” Marcos ang bigyan ng bagong puwesto ni P-Digong ay si VP Leni ang napagdiskitahan.
Imbes na maghintay sa resulta ng protesta, dapat ipinuwesto ni P-Digong ang anak ni ex-P-Marcos!
◘◘◘
NATALO si Pinoy boxer Nonito Donaire, Jr. ng isang Japanese monster boxer.
Hindi siya sumuko at umatras kahit nasaktan ng Japanese.
Bugbog-sarado rin naman ang ‘monster’!
◘◘◘
MAS lumutang ang kadakilaan ni Sen. Manny Pacquaio sa laban ng 36-anyos na si Donaire.
Mas tumatanda si Pacquiao, lalo na siyang humuhusay bilang boxer, pulitiko at artista!
◘◘◘
IPINASARADO ang stock brokerage firm dahil sa pagnanakaw ng stocks ng mga kliyente.
‘Yan ay tipikal na cyber crime!
◘◘◘
IPINASUSURI ang kalidad ng mga ginagamit na hollow blocks dahil sa pagguho ng mga bahay sa Mindanao.
Bakal sa poste at pundasyon ang dapat suriin imbes na hollow blocks!
◘◘◘
DUMARAMI na naman ang mga magnanakaw at kriminal sa Metro Manila.
Anubayannn?





Comments