CBA basketball at TOPS sa Light TV
- MC
- Nov 9, 2019
- 1 min read

Matutunghayan na ang pagbubukas ng Community Volleyball Association (CVA) 18-under tournament na idaraos sa San Andres Sports Complex, Malate sa Linggo mula sa bagong kasangga na Light TV: God’s Channel of Blessing maging ang iba pang palabas na sports events sa kanilang digital TV simula ngayong buwan ng Nobyembre.
Bilang isa ang CBA at CVA na ipalalabas sa Light TV, na mapapanood din sa iba’t ibang mga cable providers, nilagdaan nina CBA/CVA founding president Carlo Maceda at Light TV sales and marketing manager Next Layderos ang kasunduan sa ginanap na 47th edisyon ng TOPS “Usapang Sports” sa National Press Club sa Intramuros kamakalawa ng umaga.
“Magandang oportunidad ito hindi lang sa amin sa CBA/CVA, kundi pati na din sa Light TV, na makapagbigay ng magandang programa sa sports sa telebisyon,” sabi ni Maceda, na sinamahan ng kanyang butihing maybahay na si Derlyn sa ginawang contract-signing kasama si Layderos.
“Natutuwa kami sa Light TV na maging bahagi ng pagbibigay ng kasiyahan sa mga tagapagtangkilik ng sports, lalo na sa CBA at CVA,” dagdag naman ni Layderos.
Naging saksi sa nasabing kasunduan ang mga TOPS officers, sa pangunguna ni Ed Andaya. Mapapanood na rin ang weekly TOPS “Usapang Sports” na pinangungunahan ng mga top sports editors ng Tabloids sa bansa sa Light TV.





Comments