top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Bawas-lasenggo.. Taas-presyo sa alak

Lourdes Abenales / Mylene Alfonso
Nov 9, 2019
1 min read

Nais ni Senator Pia Cayetano na mataas ang presyo ng mga produktong nakasasama sa kalusugan ng tao.

Ito aniya ang dahilan kaya itinutulak na madagdagan ang buwis sa mga nakakalasing na inumin.

Aniya, nakaaalarma na ang paglaganap ng bisyo ng paglalasing sa mga Filipino.

Ito ang iginiit ni Cayetano sa pakikipagdebate niya para sa Senate Bill 1074, na layong madagdagan ang excise tax na nakapatong sa mga alak at electronic cigarettes.

Iginiit ng senadora na maging ang World Health Organization ay nababahala na sa malakas na konsumo ng mga nakalalasing na inumin hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page