top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

4 patay sa bagyong Quiel

Jeff Tumbado / V. Reyes
Nov 9, 2019
1 min read

Apat ang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Quiel sa Cagayan.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga biktima sina Eljhay Dallego, 10; Jeremiah Saring, 14; Ariel Agustin Versola, 32, at Augusto Jamon, 36.

Nalunod umano si Dallego sa Bgy. Mapula-Pula, Claveria at gayundin ang biktimang si Versola.

Natabunan naman ng gumuhong bahay si Jamon habang nakuryente si Saring sa gitna ng kanyang paglalaro sa Bgy. San Antonio.

Iniulat din ng NDRRMC na may isang indibidwal ang nawawala at patuloy na pinaghahanap na si Cesar Ballad Paraba mula sa bayan ng Peñablanca.

Samantala, inaasahang tuluyan nang lalayo sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Quiel habang binabantayan ang isa pang bagyo sa labas ng teritoryo ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ngayong umaga ng Sabado ang paglabas ng Bagyong Quiel at hindi na rin ito tatama sa anumang bahagi ng kalupaan ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page