top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Radio broadcaster niratrat ng riding-in-tandem, utas

Jeff Tumbado
Nov 8, 2019
1 min read

Tuluyang pinatahimik sa ere ang isang radio broadcaster makaraan itong pagbabarilin habang ito ay naghahatid ng kanyang mga apo sa kanilang paaralan sa Dumaguete City sa Negros Occidental.

Dead-on-the-spot sanhi ng limang tama ng bala ng baril sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Dindo Generoso, 67, naninirahan sa Bgy. Banilad.

Batay sa imbestigasyon, alas-7:30 kahapon ng umaga nang isagawa ang pananambang kay Generoso sa tapat ng eskuwelahan sa kanto ng Hibbard Avenue at EJ Blanco Drive, Bgy. Piapi.

Inihahatid umano ng biktima sa paaralan ang kanyang mga apo sakay sa kanyang kotse nang pagbabarilin ng lalaking angkas sa motorsiklo.

Sinasabing isang hard hitting commentator si Generoso sa kanyang programang “Bai” sa local am radio station na dyEM at isa ito sa mga tinintingnang dahilan ng paglikida sa kanya.

Napag-alaman na kumandidato si Generoso sa pagka-alkalde sa lungsod noong 2016 subalit, natalo ito sa kanyang katunggali na si Mayor Felipe Antonio Remollo.

Si Generoso ay pangalawa na sa mga miyembro ng media na napapatay sa Dumaguete City kung saan unang pinagbabaril ang radio broadcaster din na si Edmund Sestoso malapit sa kanyang bahay noong Abril 30, 2018.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page