Panablang panalo ng Angels vs. Smashers sa PVL finals

Nangako ang koponan ng PetroGazz Angels na matatag itong babangon upang makuha ang panablang panalo sa ikalawang laro laban sa Creamline Cool Smashers sa Game 2 bukas, Sabado sa PVL Open Conference Finals sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.
Aminado si head coach Arnold Laniog na hindi nasunod ang mga plano nito kahit pa man nagawa nitong makapagpahinga at todo handa sa kanilang best-of-three title series.“We’re not able to perform what we’re supposed to do,” pahayag ni Laniog matapos malasap ng Angels ang masaklap na 14-25, 22-25, 25-27 pagkatalo sa unang laban nitong Miyerkules.
Hindi nagawang makipagsabayan o mapigilan ng PetroGazz ang umuusok na opensa ng Cool Smashers na nagbukas ng todo sa mga atake galing kina Alyssa Valdez at Jema Galanza na kumamada ng 31 sa 51 puntos na attack points ng Cool Smashers laban sa 32 attacks lamang ng Angels.“We knew that Creamline would play to that level but the problem was we were not able to measure up. They controlled us with their attacks, particularly from the wings,” wika ni Laniog.





Comments