Pagkapadala ng pera sa pamilya.. OFW nagbigti habang naka-video
Isang overseas Filipino worker (OFW) sa Oman ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti na kinuhanan pa nito ng video.
Sa panayam sa anak ng nasawing si ‘Analyn’ na taga-Isabela, huli umano silang nag-usap ng ina nitong nakaraang araw kung saan tinanong pa nito kung natanggap na nila ang ipinadalang pera para sa kanila.
Samantala, ayon sa asawa ng ginang, pitong buwan pa lamang na nagtatrabaho si ‘Analyn’ sa Oman.
Bagama’t, matagal na umano silang nagpasyang maghiwalay at wala na ring ugnayan.
Makikita sa mismong kuhang video ni ‘Analyn’ na inayos muna nito ang kanyang buhok bago tuluyang binigti ang sarili gamit ang tela na itinali sa ceiling fan sa loob ng kuwarto.
Ayon sa mga awtoridad ng Oman, nakita nila umano ang video sa cellphone ng biktima.





Comments