top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P1 bilyong contigency fund ng office of the president, gagamitin kontra ASF

Mylene Alfonso
Nov 8, 2019
1 min read

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng Department of Agriculture sa natitirang contingency fund ng Office of the President para sa pagsawata ng African Swine Fever.

Kasabay ito ng ginanap na 42nd cabinet meeting sa Malacañang kamakalawa ng gabi.

Ayon kay DA Secretary William Dar, nasa P1 bilyon ang hiningi nilang contingency fund.

Nabatid na gagamitin ang pondo para tulungan ang mga apektadong hog raisers kung saan batay sa inilabas na datos ng kagawaran ay nasa P3 bilyon na ang lugi ng hog industry dahil sa ASF.

Partikular na paglalaanan ng pondo ang pagbabayad sa mga hog raisers na naapektuhan ng ASF, paglalagay ng cold storage areas sa mga pantalan sa Maynila, Subic, Batangas, Cebu at Davao para sa 100 percent na monitoring ng meat products entry.

Matatandaang, ibinunyag ng DA na patuloy ang paglaganap ng mga lugar kung saan may naitalang kaso ng ASF kabilang na rito ang Caloocan at Malabon Cities.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page