top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Lakas at tibay ng Pinoy sa ONE: Masters of Fate”

MC
Nov 8, 2019
2 min read

Bago matapos ang 2019, muling magbabalik ang ONE Championship para sa “ONE: Masters of Fate” tampok ang kauna-unahang paghaharap ng kapwa Pilipino para sa titulo ngayong Biyernes (Nob. 8) ng 8:30 pm, mula sa Mall of Asia (MoA) Arena sa Pasay City.

Ibibida ng pinakamalaking fight promotions outfit sa Asya ang lakas, husay, at puso ng Pilipino sa mixed martial arts (MMA) sa pagtaya ni Joshua Pacio ng Team Lakay ng kanyang ONE world strawweight championship kontra kay Rene Catalan live sa ABS-CBN S+A, ABS-CBN Sports Facebook, at iWant.

Galing si Pacio (14-3, 7 submissions) sa isang 4th round knockout na panalo kay Yosuke Saruta noong Abril, kung saan binawi niya ang sinturon na inagaw ni “Tobizaru” sa harap ng kanyang Pinoy fans. Si Pacio rin ang natatanging kampeon sa kampo ng Team Lakay at wala siyang balak bitawan ito bago matapos ang taon.

Samantala, mainit naman si Catalan (6-2, 2KOs) sa loob ng hawla sa kanyang anim na sunud-sunod na panalo para magkaroon ng tsansang makuha ang ginto sa kanyang karera sa ONE Championship. Kasama sa anim na iyon ang kanyang pagpapatumba sa dating nakalaban ni Pacio na si Yoshitaka Naito ng Japan via technical knockout.

Bukod sa kanila, dalawang Pilipino rin ang sasabak pa sa laban sa loob ng ring. Una na riyan si Team Lakay at Pinoy MMA icon Eduard Folayang (21-8) na makababalik na pagkatapos matalo kay “The Underground King” Eddie Alvarez sa ONE Lightweight grandprix noong Agosto. Haharapin ni “Landslide” ang Mongolian na si Tsogookhuu Amarsanaa (5-1, 3KOs) sa undercard.

Balik-aksyon din si Geje “Gravity” Eustaquio (12-8) kontra kay Finnish fighter Toni Tauru (11-7-1, 8 submissions) sa isa pang undercard na laban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page