top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Hirit ni P-Digong.. Plastik, bawal sa buong bansa

Mylene Alfonso
Nov 8, 2019
1 min read

Ikinukonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang ipagbawal ang paggamit ng plastik sa buong bansa upang malabanan ang nararanasang climate change.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, natalakay ito sa 42nd cabinet meeting sa Malacañang kamakalawa ng gabi.

Sa naturang cabinet meeting, ibinahagi ni Vernice Victorio, pangulo at CEO ng Natural Resources Development Corporation, isang attached-GOCC ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang presentation hinggil sa climate change programs na maaaring ipatupad ng gobyerno at gawing priority programs para sa environment and climate change resiliency ng bansa.

Gayunman, aminado umano ang pangulo na hindi ganu’n kadali ang nais nitong basta-basta ipatigil ang paggamit ng plastik.

Dapat aniyang kumilos ang mga nasa Lehislatura upang makagawa ng panukalang-batas na tuluyang ipagbawal ang paggamit ng plastik sa buong bansa.

Batay sa 2015 report on plastic pollution, nasa ikatlong puwesto ang Pilipinas sa pinakamalaking source na bumabara na mga plastik sa mga karagatan, kasunod ng China at Indonesia.

Habang dalawang panukala ang isinusulong na ipagbawal ang single-use plastics na inihain nina Senators Cynthia Villar at Francis Pangilinan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page