top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hindi lang ‘yung nagtatago sa fake socmed account.. Nambu-bully at naninira sa group chat, puwedeng

  • Ryan B. Sison
  • Nov 8, 2019
  • 2 min read

Boses ni Ryan B. Sison

Shout-out sa mga mahilig makipag-chat!

Hinay-hinay lang sa pagbibitiw ng mga salita, lalo na sa pagbabansag sa mga ka-chat dahil isang pagkakamali lang, sa kulungan ang inyong bagsak.

Kaugnay nito, nasampulan ang dalawang babae matapos bansagang “unano” ang complainant sa isang private Facebook group chat sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Nang sampahan ng kasong cyber libel ang dalawa, umamin ang mga ito, pero hindi na sana umano pinaabot pa sa korte ang isyu.

Hirit pa ng isang suspek, humingi sila ng tawad, pero itinuloy pa rin ang kaso.

Paliwanag ni Police Lt. Col. Honesto Lazo, deputy chief of Anti-Cybercrime Group sa Central Visayas, kapag ang group chat ay may miyembro na higit sa isa, ikinokonsidera na itong public.

Sakop ng cyber libel ang malicious words at kung naisapubliko ang mga salita na para sa espesipikong tao.

Napakaraming gumagamit ng social media kaya marami rin itong kayang gawin.

Bagama’t, kaya nitong mapabilis ang komunikasyon at magpakalat ng mahahalagang impormasyon, may kakayahan din itong makasira ng imahe at makasakit ng damdamin.

Minsan, gusto lang nating magbiro at wala namang intensiyon na mam-bully, pero dahil iba’t iba ang opinyon ng netizens, madalas ay nagiging negatibo ang interpretasyon nito kaya ang ending, nagkakainitan hanggang sa nagkakapikunan.

Gayundin, hindi natin alam na ang biro para sa atin ay maaaring makasakit sa iba, lalo na kung ito ang insecurity nila.

At ang masaklap, mauuwi ito sa iba pang problema tulad ng mental health issue.

Samantala, hindi natin maitatangging may mga gumagamit ng pekeng account para mam-bully, manlait o manira ng kapwa gamit ang socmed.

Akala nila, oks lang ito dahil hindi totoo ang impormasyon na kanilang ginagamit.

Well, para naman sa mga nambu-bully sa socmed gamit ang fake o dummy accounts, may kalalagyan din kayo!

Hindi kayo habambuhay na makapagtatago gamit ang mga pekeng pangalan at litrato para mang-abuso ng mga tao na walang kalaban-laban.

Sana, magsilbing leksiyon ito sa lahat, lalo na ang aktibo sa socmed na maging maingat sa mga ibinabahaging komento at binibitiwang salita, gayung marami ang maaaring makakita at mag-react dito.

Kung nakasakit kahit hindi sinasadya, maging responsible, dahil kung magkikibit-balikat lang, hindi natin alam na ang simpleng pagkakamaling ito ay mag-iiwan ng pangmatagalang epekto sa taong nasaktan.

Pagdating ng panahon, tayo rin ang makikinabang sa ating pag-iingat, ‘ika nga nila, think before you click.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page