top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dagdag-singil sa kuryente

  • Madel Moratillo
  • Nov 8, 2019
  • 1 min read

Asahan na may 47 sentimos kada kilowatt hour (KwH) na dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan ang Manila Electric Company (Meralco).

Dahil dito, sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na P0.4717/kWh ay magkakaroon ng upward adjustment sa overall household rate ngayong buwan ng P9.5579/kWh mula sa dating P9.0862/kWh.

Ang power rate hike ngayong November bill ay dahil sa pagmahal umano ng halaga ng kuryente sa spot market.

Nakaambag din umano sa pagtataas ng singil ang dalawang yellow alert at ilang plant outages sa Luzon grid na natapat sa naturang billing period.

Bukod pa aniya sa mas mababa na rin ang natirang refund na iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ipatupad.

Nabatid na ang naturang dagdag-singil ay katumbas ng P94.34 na dagdag sa bayarin ng mga kumukonsumo ng kuryente na 200 kWh kada buwan; P141.51 naman sa mga nakagagamit ng 300 kWh; P188.68 sa mga gumagamit ng 400 kWh na elektrisidad at P235.85 para sa mga kumukonsumo ng 500 kWh na kuryente kada buwan.

Ipinaliwanag naman ng Meralco na kahit may dagdag-singil ngayon ay mas mababa pa rin ang electricity rates na P1 ngayong Nobyembre na nasa P9.56/kWh lamang, kumpara noong Abril 2019, na mayroong P10.56/kWh.

Matatandaang, nitong Oktubre, nagkaroon din ng dagdag-singil ang Meralco.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page