top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Summer Romance, tagumpay sa the travel city race

  • MC / Ding Taboy
  • Nov 7, 2019
  • 2 min read

Matagumpay at dinagsa ng Bayang Karerista ang ikaanim na pagtatanghal ng Pasay ‘The Travel City’ Racing Festival nitong Linggo sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.

Mismong si Tony Calixto ay nagpasalamat sa mga tumangkilik sa buong araw na karera sa MetroTurf na isinagawa bilang bahagi ng anibersaryo ng Pasay City.

“Nagulat kami sa dami ng racing fans na talaga namang nag-enjoy sa mga naganap na karera. Asahan po ninyo na mas malaki at magiging exciting pa ang ating paghahandaan sa susunod na taon,” aniya. Sa tampok na karera sa araw na iyon ay pinagwagian ni Summer Romance na pagmamay-ari ni Atty. Narciso Morales.

Ang 5-anyos na kabayo na sinakyan ni Jesse Guce ay nanggaling sa likuran at naungusan ang imported galloper na si Und Kantar sa dulo ng 1,600-metrong karera para manalo at ihandog sa may-ari nito ang P420,000 premyo at isang magarang tropeo.

Ang 2nd na si Und Kantar ay nahablot ang P157,500 premyo habang ang pumangatlong si Stella Malone ay may P87,000. Nagkasya sa P35,000 ang 4th na si Victorious Colt.

Nagwagi rin sa Calixto Cup ang kabayong Boss Emong na pag-aari ni owner Edong Diokno. Nagwagi rin ito ng P420,000. Ang 2nd ay si Shanghai Grey na may P157,500 at ang sumunod na dalawang kabayo na The Accountant at My Jopay at nagwagi ng P87,000 at P35,000.

Ang imported longshot na si Miss Campbell ng dating PBA basketball star na si Paolo Mendoza na nanalo rin dati sa 5th Eduardo ‘Duay’ Calixto Memorial Cup. Nag-uwi ito ng P180,000 premyo at isang tropeyo.

Pumangalawa si Mark of Excellence habang ang paboritong si To It’s si Bing ay pumangatlo, 4th si Queensboro. Nanalo si Union Bell sa 2nd leg ng Juvenile Fillies & Colts Stakes para sa premyong P600,000.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page