PHL team, sasagupa sa MLBB M1 World C’ships

Magtitipa na sa Nob. 15 - 17, ang kauna-unahang Mobile Legends: Bang Bang World Championship na M1 sa Malaysia. Itatampok sa kompetisyon ang 16 na team sa buong mundo upang paglabanan ang premyong USD$250,000.
May group stages ang M1 World Championship na magsisimula sa Nob. 11-14. Kasunod nito ang main events kung saan ang teams ay babanat sa regional qualifiers tulad ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL), mula sa Malaysia, Singapore, Indonesia, Myanmar at Pilipinas habang ang M1 Qualifiers ay para sa mga bansang walang MPL gaya ng Cambodia, Thailand at Laos, Vietnam, Japan, Turkey, Russia, United States at Brazil.
Sa rami ng contenders, abangan na lang kung sino ang mangunguna. Isasabak ng Pilipinas ang Sunspark at Onic PHL na pakay maghari sa labanan.
Ang mga fans at enthusiasts na nais mapanood ang M1 Championship ng live ay may 3-day o 1-day pass via http://bit.ly/M1-Tickets. Lahat ng aksiyon ay livestreamed sa YouTube Gaming mula sa battleground–Axiata Arena, Bukit Jalil sa Kuala Lumpur.
Samantala, pakay na makuha ng Pinoy sa Southeast Asian (SEA) Games, ang unang gold medal na kauna-unahang gaganapin ang Mobile Legends para sa eSports category. Siyam na National Teams ang babanat para maging pinakamahusay na Mobile Legends: Bang Bang team sa Southeast Asia.





Comments