top of page

Nanay, 3 anak nalason sa adobong baboy

  • Paul Lamsen
  • Nov 7, 2019
  • 1 min read

Pinaniniwalaang nalason sa adobong baboy ang isang pamilya sa Malasiqui, Pangasinan.

Ayon sa ginang na si Mara Jovellanos, nakaranas siya ng pagkahilo at pananakit ng tiyan.

Ganito rin aniya ang sinapit ng kanyang tatlong anak kaya nagpunta sila ng ospital. Aniya, galing sa kanilang kapitbahay ang karneng baboy na ginamit sa adobo.

Ayon naman sa mga doktor, posibleng kontaminado ng bacteria ang naturang karne kaya kumuha na rin sila ng sample nito para suriin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page