top of page

Nag-alaga at nagpalaki sa bata na anak ng iba, wala pa ring karapatang kilalaning magulang

  • Dr. Persida V. Rueda-Acosta
  • Nov 7, 2019
  • 2 min read

Dear Chief Acosta, May anak sa pagkadalaga ang kapatid ko at iniwan niya ito sa akin mula nang ito ay sanggol pa lamang. Bihira siyang magpadala ng sustento at naputol pa ito nang siya ay mag-asawa na sa ibang bansa. Ngayong pitong taon na ang bata, kinukuha na niya ito. Wala ba akong karapatan sa kustodiya ng aking pamangkin na itinuring ko nang anak? — Gigi

Dear Gigi, Naaangkop sa inyong katanungan ang kasong Teresita Sagala-Eslao vs. Court of Appeals and Maria Paz Cordero-Ouye (G.R. No. 116773, 16 January 1997, Ponente: Honorable Associate Justice Justo P. Torres, Jr.) na nagsabing:

“Parental authority and responsibility are inalienable and may not be transferred or renounced except in cases authorized by law. The right attached to parental authority, being purely personal, the law allows a waiver of parental authority only in cases of adoption, guardianship and surrender to a children’s home or an orphan institution. When a parent entrusts the custody of a minor to another, such as a friend or godfather, even in a document, what is given is merely temporary custody and it does not constitute a renunciation of parental authority. Even if a definite renunciation is manifest, the law still disallows the same. The father and mother, being the natural guardians of unemancipated children, are duty-bound and entitled to keep them in their custody and company.” [Binigyang-diin.]

Samakatwid, maliban na lamang kung mapatunayan sa hukuman na hindi karapat-dapat ang kanyang ina sa kustodiya ng bata, mananatili ang karapatan ng kustodiya ng ina sa kanyang anak sapagkat tinitingnan ng batas na ang kanyang pagpapaubaya rito sa ibang tagapag-alaga, habang siya ay wala, pansamantala lamang tulad ng nangyari sa inyong sitwasyon.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page